^

Probinsiya

2 carnapper; pulis grabe sa sagupaan

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Dalawang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng carnapping at robbery/holdup at isang kagawad ng pulisya ang malubhang nasugatan makaraang makaengkuwentro ng una ang grupo ng 4th Regional Traffic Management Office kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Ricardo Salvatiera at Valentin Garcia ng nasabing lugar.

Habang ang isa sa mga pulis na nakaengkuwentro ng mga suspek ay pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan dahil sa seguridad ng kanyang pamilya.

Nabatid kay 4th RTMO 4 C/Supt. Demothenes Felix, si Salvatiera na may kasong murder ay nagtatag ng grupo ng mga carnapper matapos na pumuga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang motorsiklo na may plakang VC-6629 at dalawang baril na ginamit sa pakikipagbarilan sa mga humahabol na pulis sa naturang lugar. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

DEMOTHENES FELIX

ED AMOROSO

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

REGIONAL TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

RICARDO SALVATIERA

SAN PEDRO

VALENTIN GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with