^

Probinsiya

P15M cocaine nasabat

-
TUGUEGARAO CITY — Tinatayang aabot sa 2 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P15 milyon ang nasabat ng mga elemento ng police regional mobile group kamakalawa sa hilagang lalawigan ng Cagayan.

Ipinag-utos ni Supt. Jovencio Carillo sa kanyang mga tauhan na masusing bantayan ang baybaying-dagat ng Cagayan makaraang tangkain ng grupo ng Camiguin na magpuslit ng cocaine papasok ng bansa sa pamamagitan ng northern backdoor.

Base sa ulat, ang nasabat na droga na may timbang na 2.09493 kg. ay inakala nilang metamphetamine hydrochloride (shabu) subalit nang ipasuri sa PNP crime laboratory sa Camp Crame sa Quezon City, lumalabas na pure cocaine.

"Ito ang kauna-unahang droga mula sa hilagang Cagayan na nasabat ng mga awtoridad makaraan ang dalawang taong pagkakasabat sa ilang drums ng shabu na may halagang P1.1 bilyon," ani Carillo.

Sa ganoon taon din ay nadiskubre ng pulisya ang ilang laboratoryo ng shabu sa Basco, Batanes.

Dalawang suspek na sina Abasalon Tobias at Armando Soriano ang nakumpiskahan ng isang baril at granada na ngayon ay sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Charlie Lagasca)

ABASALON TOBIAS

ARMANDO SORIANO

BASCO

BATANES

CAMP CRAME

CHARLIE LAGASCA

JOVENCIO CARILLO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with