4 holdaper ng trader nasakote
June 24, 2001 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan  Apat sa walong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang bumibiktima ng mga negosyante ng bangus na ipinagbibili sa pampublikong palengke ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ng Balanga at Orion makaraang maaktuhang nagmamaneho ng nakaw na jeep na punumpuno ng bangus kamakalawa ang tanghali sa kahabaan ng Barangay Tenejero.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Romeo Valerio, 23, ng Sto. Domingo; Steven Pacion, 38, ng Brgy. Panilao; Restituto Caniba, 19, ng Balanga City at si Ricky Reyes ng Pilar, Bataan.
Samantala ang mga kasamahan naman ng mga suspek na patuloy na tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Antonio de Jesus, Rafael Limcupao, alyas Ericks at isang hindi pa mabatid ang pangalan na pawang mga miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbo ng Bayan (RHB).
Sa inisyal na imbestigasyon, hinarang at hinoldap ng grupo ang isang jeep na may plakang DLG-184 na may dalang 19 cooler box na bangus sa kahabaan ng highway ng Barangay Camachili. Subalit pinakawalan naman ang mga sakay nitong sina Felix Catalan, 45, at kasama nitong si Marcelino Llamado pagsapit sa panulukan ng Sitio Kanino sa Roman Superhighway at mabilis namang ipinagbigay-alam ng dalawa sa pulisya ang pangyayari. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am