^

Probinsiya

4 na suspek sa pagnanakaw ng shabu nasakote

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Dalawang magkapatid na pinaniniwalaang pangunahing suspek sa pagnanakaw ng 46.6 kilo na shabu sa loob ng Mamburao Regional Trial Court noong Hunyo 17 ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Occidental Mindoro PNP sa isinagawang pagsalakay sa kani-kanilang bahay sa Sitio Maligaya, Brgy. 9, ng naturang lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rolando at Victor Aguila; magkapatid na Milo at Judimo Aparado na pawang residente ng Sitio Maligaya ng nasabing barangay.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo na shabu subalit hindi narekober ang 46.6 kilo na hinihinalang itinago sa ibang lugar.

Dahil sa positibong kinilala ng isang saleslady ng Rainbow Commercial si Rolando Aguila na bumili ng mga gamit na iniwanan ng mga suspek sa loob ng nasabing korte ay nagpalabas ng search warrant si Judge Reuben Cosucon ng MTC upang maaresto ang dalawang magkapatid.

Ilan din mga testigo ang lumutang na nagsasabing ang dalawang magkapatid ay magkakasamang umalis na may dalang mga bagay na ginamit sa pagnanakaw sa loob ng korte.

Kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga suspek dahil ang ninakaw na droga na may halagang P93.2 milyon ay gagamiting ebidensya laban sa dalawang drug traffickers na nasakote noong Dec. 1999 sa Lubang Island. (Ulat ni Ed Amoroso)

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ED AMOROSO

JUDGE REUBEN COSUCON

JUDIMO APARADO

LUBANG ISLAND

MAMBURAO REGIONAL TRIAL COURT

SITIO MALIGAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with