^

Probinsiya

Peke, nakaw na Int'l credit cards laganap

-
BACOLOD CITY – Dahil sa pagpapakalat ng mga peke, nakaw na International credit cards ng isang grupo ng sindikato mula sa Maynila sa lalawigan ng Bacolod, inalerto ng kapulisan ang lahat ng establisimyento dahil sa umaabot na sa halagang P1 milyon ang nabiktima sa iba’t ibang department store.

Sinabi ni Police Chief Supt. Amado Marquez na ang grupo ng sindikato ay kinabibilangan ng limang kalalakihan at isang babae subalit pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan upang hindi maantala ang isinasagawang paniniktik sa grupo.

Tanging mga larawan lamang ang ipinamahagi ng mga tauhan ni Marquez sa lahat ng mga negosyanteng nagmamay-ari ng mga establisimyento at inatasang ipagbigay alam sa kinauukulan kapag ang ipinambayad ay credit cards.

Nabatid pa kay Marquez na ginagamit sa modus operandi ng sindikato ang may 17 Visa at Mastercard credit cards na pawang peke, nakaw at ang isa ay mula pa sa bansang Norway na iniulat na ninakaw.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang grupo ng sindikato ay dumating sa Bacolod City noong Hunyo 15 at nag-check-in sa Bacolod Convention Plaza Hotel bago lumipat sa ibat ibang hotel.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya sa ilang banko, lumalabas na may nakuha na ang mga sindikato sa ilang establisimyento na kinabibilangan ng top-of -the-line celluar phones, laptop computers, video cameras at mamahaling relos. (Ulat ni Antonieta Lopez)

AMADO MARQUEZ

ANTONIETA LOPEZ

BACOLOD CITY

BACOLOD CONVENTION PLAZA HOTEL

MARQUEZ

POLICE CHIEF SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with