Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rolando at Victor Aguila; magkapatid na Milo at Judimo Aparado na pawang residente ng Sitio Maligaya ng nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo na shabu subalit hindi narekober ang 46.6 kilo na hinihinalang itinago sa ibang lugar.
Dahil sa positibong kinilala ng isang saleslady ng Rainbow Commercial si Rolando Aguila na bumili ng mga gamit na iniwanan ng mga suspek sa loob ng nasabing korte ay nagpalabas ng search warrant si Judge Reuben Cosucon ng MTC upang maaresto ang dalawang magkapatid.
Ilan din mga testigo ang lumutang na nagsasabing ang dalawang magkapatid ay magkakasamang umalis na may dalang mga bagay na ginamit sa pagnanakaw sa loob ng korte.
Kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga suspek dahil ang ninakaw na droga na may halagang P93.2 milyon ay gagamiting ebidensya laban sa dalawang drug traffickers na nasakote noong Dec. 1999 sa Lubang Island. (Ulat ni Ed Amoroso)