^

Probinsiya

Nene ni-rape/slay sa planstasyon ng asukal

-
ILOILO CITY – Isang 12-anyos na nene ang ginahasa bago pinatay ng isang lalaki na pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot sa plantasyon ng asukal noong Lunes ng hapon habang ang biktima ay inutasan lamang ng ina na bumili ng langis sa Sitio Lungaw, Brgy. Impang Grande Passi City ng naturang lalawigan.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng mga awtoridad sa loob ng plantasyon ng asukal ng Hacienda Dulalia ng nabanggit na barangay

Samantala, ang suspek na positibong itinuro ng mga testigo ay nakilalang si Rufino Divino, may sapat na gulang ng Tordesillos St., Passi City.

Ayon sa inisyal na ulat ni CP/Chief Insp. Roberto Nuffable, chief of police, huling nakita ng mga testigo ang biktima na kasama ng suspek na pumasok sa masukal na plantasyon ng asukal.

Dahil sa hindi pagbabalik ng biktima na inutusan lamang ng ina ay kaagad na ipinagbigay-alam ang pangyayari sa himpilan ng pulisya na nagresulta upang makita ang bangkay at madakip ang suspek. (Ulat ni Jun Aguirre)

vuukle comment

CHIEF INSP

HACIENDA DULALIA

IMPANG GRANDE PASSI CITY

JUN AGUIRRE

PASSI CITY

ROBERTO NUFFABLE

RUFINO DIVINO

SITIO LUNGAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with