^

Probinsiya

Killer ng pamilya idineport ng FBI

-
Isang Pinoy seaman na matagal ng wanted sa kasong ‘pagpatay’ sa sariling pamilya sa Nueva Ecija noong Abril ang naka-scheduled na dumating sa bansa ngayong umaga kasama ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) mula sa Florida, USA.

Si Danilo Affala, 40, na idineport ng US at sinamahan ng mga ahente ng FBI sakay ng PAL flight sa Los Angeles patungong Manila ay upang papanagutin sa kasong pagpatay sa asawang si Aperacion, 40 at mga anak nitong sina Chinee, 15, Mark Anthony, 11 at Michael Angelo, 5. na natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima sa Magar River sa Brgy. Don Mariano Marcos sa naturang lalawigan.

Magugunitang dinala ni Affala ang pamilya sa Nueva Ecija noong Abril at doon minasaker dahil sa hinalang may ka-relasyon ang asawa na ibang lalaki.

Nabatid pa na nakalabas ng bansa si Affala dahil sa walang naisampang kaso laban dito bago nagtago sa US. (Ulat ni Rey Arquiza)

ABRIL

AFFALA

DON MARIANO MARCOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

ISANG PINOY

LOS ANGELES

MAGAR RIVER

MARK ANTHONY

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with