Lalaki ikinasal sa kapwa lalaki
June 21, 2001 | 12:00am
BINMALEY, Pangasinan – Sa kauna-unahang kasaysayan ng lalawigang ito kahapon ay nagkaroon ng kasalang lalaki sa lalaki sa Brgy. Lomboy West.
Dahil sa hindi pinayagan ng pari mula sa Lingayen Catholic Church na ikasal sina Rodrigo Coquia at Ramil Lopez ay minabuti ng dalawa na magtungo na lamang sa tanggapan ni Lingayen Mayor Ernesto Castañeda, Jr. na makakuha ng blessing upang maging mag-asawa.
Sinabi naman ni Mayor Castañeda na hindi magiging legal ang kasal ng dalawa subalit dahil sa nagpupumilit na ikasal ay tanging blessing na lamang ang maibibigay sa dalawa.
Sa simpleng seremonyang ginanap dakong alas-11 ng umaga na tinawag na "garden wedding" ay dinaluhan ng hindi mabilang na bisita kabilang na ang mga naging sponsored na sina Lingayen Mayor Castañeda at ang asawa nitong Mayor-elect Josefina Castañeda.
Ang isang lalaki na tinawag ng kanyang mga kaibigan na si Milo, 30, ay namamasukan bilang secretary ni Mayor Castañeda habang ang lalaki naman na si Boyet, 20, ay namamasukan bilang service crew ng Jollibee, Lingayen branch.
Napag-alaman pa na hindi naman tinutulan ng mga magulang ni Boyet ang pagpapakasal kay Milo.
Sinabi ng bagong kasal na nagkakilala sila sa pinapasukan ni Boyet noong Mayo 18 at nagkasundong magpakasal.
"Wala kaming pakialam kung anuman ang sabihin sa amin ng taumbayan basta nagmamahalan kami", ani ng dalawang ikinasal na lalaki. (Ulat ni Eva De Leon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest