5 katao minasaker
June 20, 2001 | 12:00am
CAMP DIEGO SILANG, La Union Lima katao na pawang miyembro ng dalawang pamilya kabilang na ang isang anim na buwang buntis ang minasaker sa loob mismo ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa dalawang magkahiwalay na insidente sa bayan ng Balaoan at Naguilian, La Union.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima sa bayan ng Naguilian na sina Beatriz Ladia, 41; live-in partner na si Ricardo Aveño at anak nitong si Perla, anim na buwang buntis, 17, na pawang mga residente ang Brgy. Bato ng naturang lugar.
Samantala, ang mga biktimang nasawi sa bayan naman ng Balaoan ay kinilalang sina Mario Dingle, 47 at anak nitong si Emerson na nagtamo ng maraming tama ng bala ng M14 rifle. Habang ang asawang si Elena naman ay tinamaan ng bala ng kalibre .38 baril sa likuran at ngayon ay ginagamot sa San Fernando Provincial Hospital.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Rolando Nana, Naguilian police chief kay P/Supt. Samuel Diciano, provincial police director, pinasok ng limang armadong kalalakihan ang bahay ng mga biktima dakong ala-1 ng madaling araw habang natutulog ang pamilya Ladia sa sariling bahay.
Ayon pa sa ulat, dinala ng mga suspek si Perla sa kagubatan bago binaril sa ulo at sinaksak sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Kinilala naman ang tatlo sa limang suspek na nadakip ng mga nagrespondeng pulis na sina Mario Ganayo, 36; Romeo Picar, 40, kapwa residente ang Brgy. Bato at si Jonard Granado, 26, ng Brgy. Gonzales, Tubao, La Union.
Nag-ugat ang krimen sa pamilya Ladia dahil sa kasong rape na isinampa ni Perla sa mga suspek may dalawang taon na ang nakakaraan sa Bauang Regional Trial Court Branch 67.
Sa bayan ng Balaoan naman ay pinasok ng isang armadong lalaki ang bahay ng pamilya Dingle noong Linggo ng gabi sa Brgy. Butubut Sur bago ratratin habang ang mga biktima ay nanonood ng telebisyon.
Nadakip naman ang suspek na si Mario Opiñano na positibong kinilala ng ilang kapitbahay ng mga biktima.
Inaalam pa sa kasalukuyan ng pulisya ang motibo ng pagpatay sa mga biktima. (Ulat ni Vic Alhambra, Jr.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended