Mag-live-in timbog sa droga
June 19, 2001 | 12:00am
MASBATE CITY Isang mag-live-in partner na pinaniniwalaang nagpapakalat ng droga sa kanilang lugar ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng 5th Narcotic Command (NARCOM) PPO Intelligence at 5th CIDG sa Palmas Subd., Brgy. Nursey kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang mga suspek na sina Arnel Sanchez, 36, may asawa, isang empleyado sa lokal na pamahalaan at si Evelyn Baconawa, 48, biyuda, at isang Certified Public Accountant (CPA).
Ang mga suspek ay dinakip dakong alas-11:30 ng umaga dahil sa ipinalabas na search warrant ni Judge Jacinta Tambag ng Regional Trial Court ng naturang lalawigan.
Nakumpiska sa bahay ng mga suspek ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu, drug paraphernalia at mark money na ginamit ng asset ng pulisya sa pagbili ng droga bago isagawa ang biglaang pagsalakay. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Tony Sandoval | 22 hours ago
Recommended