Kinilala ng pulisya ang biktimang tadtad ng tama ng bala ng garand rifle na si Fernando Dorig, may sapat na gulang ng nasabing lugar.
Samantala, ang suspek na boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ay nakilalang si Rene, Dorig, isang miyembro ng 4th Cafgu Active Auxiliary (CAA) Company na nakabase sa Brgy. Kidalos ng naturang munisipalidad.
Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9 sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-7:00 ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, bago patayin ng suspek ang kanyang bunsong kapatid ay sukdulan na ang pagseselos nito dahil sa maraming pabor na inaayunan ang magulang kaysa sa kanya.
May teorya ang pulisya na nagdilim ang paningin ng suspek bago ratratin hanggang sa mapatay nito ang kapatid na nag-iisang naiwan sa loob ng kanilang bahay.
Nang mahimasmasan na ang suspek ay umiiyak na humingi naman ng tawad sa harap ng bangkay ng kanyang kapatid at magulang. (Ulat ni Joy Cantos)