^

Probinsiya

Mag-live-in timbog sa droga

-
MASBATE CITY – Isang mag-live-in partner na pinaniniwalaang nagpapakalat ng droga sa kanilang lugar ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng 5th Narcotic Command (NARCOM) PPO Intelligence at 5th CIDG sa Palmas Subd., Brgy. Nursey kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Arnel Sanchez, 36, may asawa, isang empleyado sa lokal na pamahalaan at si Evelyn Baconawa, 48, biyuda, at isang Certified Public Accountant (CPA).

Ang mga suspek ay dinakip dakong alas-11:30 ng umaga dahil sa ipinalabas na search warrant ni Judge Jacinta Tambag ng Regional Trial Court ng naturang lalawigan.

Nakumpiska sa bahay ng mga suspek ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu, drug paraphernalia at mark money na ginamit ng asset ng pulisya sa pagbili ng droga bago isagawa ang biglaang pagsalakay. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ARNEL SANCHEZ

CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT

ED CASULLA

EVELYN BACONAWA

JUDGE JACINTA TAMBAG

NARCOTIC COMMAND

PALMAS SUBD

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with