Sumuko na suspek sa Agui slay hindi fall guy
June 18, 2001 | 12:00am
Patutunayan ng pulisya na hindi isang "fall guy" ang sumukong umanoy miyembro ng New Peoples Army (NPA) na isa sa mga killer ni outgoing Cagayan Congressman Rodolfo Aguinaldo at ng driver-bodyguard nitong si PO2 Joey Garro.
Bilang hakbang, kukunin ng pulisya ang serbisyo ng mga sumukong miyembro ng NPA upang madetermina kung may katotohanan ang pahayag ni Felix Robregado, suspek sa kasong pagpaslang kay Aguinaldo na hindi ito miyembro ng grupo ng mga rebelde.
Batay sa rekord ng PNP, si Robregado umano ay miyembro ng "Secom Daya" sa ilalim ng NPA na aktibong kumikilos sa lalawigan ng Cagayan at kabilang sa order of battle ng pulisya.
Si Robregado kasama ang dalawa pang mga suspek na sina Gerard Mendoza at Iner Bulusan ay sinampahan na ng kasong double murder at frustrated murder sa Tuguegarao Regional Trial Court kaugnay ng pagkapaslang kay Aguinaldo at Garro.
Samantala, base naman sa salaysay ni Robregado na kusang loob na sumuko sa mga awtoridad na wala umano siyang kinalaman sa nasabing pamamaslang. Isa umano siyang UP graduate na may research project sa Cagayan nang mangyari ang insidente.
Magugunita na si Aguinaldo ay pinaslang ng pitong armadong kalalakihan noong Hunyo 12 ng gabi sa Tuguegarao City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended