^

Probinsiya

Pagpapalaya sa 20 kabo ng jueteng itinanggi ng hepe

-
RODRIGUEZ, Rizal — Matapos mapaulat ang pagpapalaya ng tinatayang 20 kolektor at kabo ng jueteng noong Hunyo 4, 2001, tahasang itinanggi naman ng hepe ng pulisya ng bayang ito ang naturang pangyayari dahil sa sinampahan na nila ng kaso ang mga nasakoteng suspek.

Ayon kay C/Insp. Primitivo Tabujara, hepe ng Rodriguez police, naaresto ang 20 kabo at kolektor ng jueteng sa pangunguna ng table manager na isang alyas ‘‘Susan’’ sa isang operasyon kasama ang Task Force Jericho ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Hunyo 2 sa may Brgy. Burgos, ng bayang ito.

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang P3,037 halaga ng salapi, 55 piraso ng lastillas, 1 calculator at iba pang jueteng paraphernalias.

Unang-naiulat sa ilang source na pinalaya umano ng pulisya ang mga suspek matapos na iwanan sa kanila ng DILG at pinababalik na lamang upang sampahan ng kaso ang 10 na lamang sa kanila.

Tahasang tinanggi naman ito ni Tabujara at pinatunayang nakakulong sa kanilang piitan ang mga nadakip hanggang sa sampahan ng kasong paglabag sa Anti Illegal Gambling Law nitong nakaraang Hunyo 4 sa San Mateo Prosecutors Office. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTI ILLEGAL GAMBLING LAW

DANILO GARCIA

HUNYO

PRIMITIVO TABUJARA

SAN MATEO PROSECUTORS OFFICE

TASK FORCE JERICHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with