Nakilala ang dalawang napatay na rebelde na sina Allan Galagate alyas Ka Boni, 24 at Alex Tanda alyas Ka Dexter, 24.
Ang mga nasugatan ay kinilala namang sina Joemar Magno alyas Ka Jojo, 18, residente ng Brgy. Bonifacio at Marvin Esporas alyas Ka Boboy, 18, ng Brgy. Guimbolan.
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang nakasagupa ng mga elemento ng 78th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army ang hindi pa madeterminang bilang ng mga rebeldeng NPA.
Mabilis namang nagsitakas ang kanilang mga kasamahang rebelde matapos na dalawa ang malagas sa kanilang grupo.
Ang dalawa pang rebelde ay nakorner at naaresto ng tropa ng militar matapos na masugatan sa engkuwentro.
Wala namang iniulat na nasugatan sa panig ng mga sundalo ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)