^

Probinsiya

3 robbery hold-up gang nasakote

-
Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na robbery hold-up gang sa naganap na bigong panghoholdap sa delivery van ng Fortune Tobacco sa kahabaan ng Brgy. Lalaguna, Gumaca, Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Ramil Severa, 26, akusado sa kasong murder sa Municipal Trial Court ng Gumaca; Danilo Calvelo, 32 ng nasabing bayan at Lamberto Jorvena, 29, residente ng Brgy. Del Pilar, Lopez ng naturang lalawigan.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-2:30 ng hapon nang maaktuhan nang magkakasanib na puwersa ng Gumaca Police Station 416th Police Mobile Group (PMG) at Lopez, Police Station habang hinoholdap ang delivery van sa nabanggit na lugar.

Hindi na nakapiyok ang mga supsek ng biglang rumesponde ang mga awtoridad at mapagsalikupan ang mga ito.

Nabatid na isang mapagkakatiwalaang asset ng pulisya ang nag-tip sa mga ito hinggil sa planong panghoholdap sa delivery van ng Fortune Tobacco. (Ulat nina Tony Sandoval at Joy Cantos)

vuukle comment

BRGY

CAMP CRAME

DANILO CALVELO

DEL PILAR

FORTUNE TOBACCO

GUMACA

GUMACA POLICE STATION

JOY CANTOS

LAMBERTO JORVENA

LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with