Lola minartilyo ng apong adik, todas
June 17, 2001 | 12:00am
IMUS, Cavite  Basag ang bungo at namatay ang isang lola makaraang hatawin ng martilyo sa ulo ng kanyang apo na pinaniniwalaang adik dahil lamang sa pagtanggi ng una na ipahiram ang unan kahapon ng umaga sa Brgy. Pasong Buaya ng bayang ito.
Ang biktima na isang pensiyonada ay nakilalang si Romana Asuncion Quiroz, 82, ng Block 3 Lot 14, 37 Recto St., Woodsite 1, Bahayang Pag-asa Subd. ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Bacoor detention cell ay kinilalang si Regienald Javier, 32, binata, jobless at hinihinalang sugapa na sa ipinagbabawal na gamot.
Sa ulat mula kay P/Supt. Alberto Capua, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng umaga nang pasukin ng suspek ang biktima na natutulog sa loob ng kuwarto.
Huling nakitang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang adik na apo hinggil sa kinuhang halagang P200 ng walang paalam.
Bago maganap ang krimen ay nanghiram umano ng unan sa biktima ang suspek upang gamitin nito sa pagtulog subalit hindi siya pinahiram.
Ayon pa sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ilang minuto pa lamang ang nakalilipas nang manghiram ang suspek ng unan ay pinasok nito sa kuwarto ang biktima at pinagpapalo ng martilyo sa ulo.
Hindi naman sinasadyang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang apong babae na si Cristine na tangkang gisingin nito dahil sa tanghali na ay hindi pa lumalabas ng kuwarto. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended