^

Probinsiya

Mag-utol sinuwag ng van: 1 patay, 1 grabe

-
Isang elementary pupil ang iniulat na nasawi habang ang kapatid nitong babae ay malubhang nasugatan makaraang salpukin ang mga biktima ng isang rumaragasang AUV Ford Fierra habang papasok sa eskuwelahan kahapon ng umaga sa Brgy. Molino 3 ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Ermingard Domingo, 8, grade one sa Bacoor Elementary School habang si Eloisa Domingo, 14, 2nd year high school na kapwa residente ng Brgy. San Nicolas ay malubhang nasugatan.

Samantala, ang suspek na driver ng sasakyan na may plakang MM-770 ay kusang sumuko sa mga awtoridad na nakilalang si Rodolfo Tenedero, 35 ng Block 50, Lot 34 Townhights, Brgy. Molino 4 ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Ernesto Caparas, may hawak ng kaso, naganap ang aksidente dakong alas-7:00 ng umaga habang ang mag-utol ay naglalakad dahil malapit lamang ang kanilang eskuwelahan.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang tumawid ang mag-utol habang mabilis namang parating ang naturang sasakyan at nasalpok ang mga biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BACOOR ELEMENTARY SCHOOL

BRGY

CRISTINA GO-TIMBANG

ELOISA DOMINGO

ERMINGARD DOMINGO

ERNESTO CAPARAS

FORD FIERRA

MOLINO

RODOLFO TENEDERO

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with