3 NPA rebels patay sa militar
June 16, 2001 | 12:00am
Tatlong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan kabilang ang isang sundalo makaraang magsagupa ang tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista sa dalawang magkakahiwalay na lugar sa Compostella Valley at Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.
Sa Compostella Valley, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga elemento ng 60th Infantry Battalion (IB) at ng mga rebeldeng komunista sa Sitio Tarya, Brg. Anibongan, Maco Compostella Valley.
Dakong alas-10:25 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng militar nang makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng kabababa pa lamang mula sa dalisdis ng kabundukan.
Kinilala ang tatlong nasawing rebeldeng sina Joel Japitan at Bakatang Galopo habang wala namang naitalang sugatan sa tropa ng gobyerno.
Sa isa pang sagupaan, bandang 9:30 naman ng umaga nang makasagupa ng isang team ng 11th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army ang mga rebelde na nang-hostage ng mga sibilyan sa Pasuguiran Compound sa Brgy. Kamandag, La Castellana, Negros Occidental.
Nagresulta ito sa pagkasugat ng isang enlisted personnel ng Phil. Army samantalang isa namang rebelde ang napatay at dalawa pa ang nasugatan. Gayunman, kasalukuyan pang bineberipika ang mga pangalan ng nasawi at nasugatang mga rebelde.
Kinilala ang nasugatang sundalo na si Sgt. Diosdado Sudayan na siyang nanguna sa operasyon.
Ilan naman sa mga rebeldeng komunista ang mabilis na nakatakas patungo sa direksyon ng hilagang-silangan ng nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended