Mister na hiniwalayan ni misis nagbigti
June 15, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Dahil sa tuluyang hiniwalayan ng kanyang misis, isang 34-anyos na mister ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bunducan, Bocaue ng naturang lalawigan.
Ang biktima na natagpuang nakabitin sa kisame sa loob ng kanilang bahay ay nakilalang si Larry Obilla, jobless at residente ng naturang lugar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima isang araw matapos maganap ang pagpapakamatay na nakikipagtalo sa kanyang misis hinggil sa pakikipaghiwalayan.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa ilang kapitbahay ng biktima, malimit na mag-away ang mag-asawa sa hindi nabatid na kadahilanan.
May teorya naman ang pulisya na ang motibo nang pagpapakamatay ng biktima ay resulta ng matinding sama ng loob dahil sa nasabing isyu. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended