Cargo vessel inagaw ng indonesian pirates
June 15, 2001 | 12:00am
Isang Malaysian-registered cargo vessel ang iniulat na hinarang at inagaw ng mga hindi kilalang armadong pirata mula sa Indonesia kamakalawa ng hapon habang naglalayag sa karagatan ng Turtle Islands sa Sandacan, Malaysia kamakalawa ng hapon.
Naganap ang seajack dakong alas-3:15 ng hapon habang naglalayag patungong Tawi-Tawi bago dalhin ng mga pirata sa Baguan Island.
Nabatid pa sa ulat ng AFP Southcom, pinagnakawan muna ang mga tripulante ng nasabaing barko ng halagang 25,000 ringgit bago pinalaya sa isang bahagi ng Taganak Island sa karagatan ng Sandacan.
Naniniwala naman si AFP Southcom spokesman Col. Danilo Servando na simpleng piracy lamang ito at walang kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf dahil ang Tawi-Tawi ay kublihan ng mga pirata.
Sinabi pa nito na may negosasyon na umanong nangyayari sa pagitan ng mga pirata at may-ari ng naturang cargo vessel na pinapatubos umano ng mga ito ang sasakyan.
Hindi naman binanggit ni Servando ang pangalan ng may-ari ng naturang cargo vessel na may kargang mga tone-toneladang kahoy. (Ulat nina Rose Tamayo/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended