Pulis na gumulpi sa kanyang hepe nag-harakiri
June 15, 2001 | 12:00am
ILAGAN, Isabela Isang kagawad ng pulisya na napaulat na ginulpi ang kanyang hepe ang nag-harakiri sa loob ng Isabela Provincial Headquarters malapit sa guard house ng 1st Police Mobile Group kamakalawa ng hapon sa bayan ng San Pablo ng naturang lalawigan.
Ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Isabela Provincial Hospital dahil sa malalim na saksak ng kitchen knife sa tiyan ay nakilalang si PO1 Mario Pagalilauan, may sapat na gulang at nakatalaga sa San Pablo police station.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasaksihan ni PO1 Claro Rodriguez ang pangyayari dakong alas-4:00 ng hapon matapos na lumabas ang biktima sa Investigation Office ng police provincial dahil sa panggugulpi nito kay P/Chief Insp. Domingo Dollente, chief of police ng San Pablo noong nakaraang Miyerkules ng umaga.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya, kinompronta umano ni Dollente si Pagalilauan hinggil sa hindi nito pagpapaalam patungo sa bayan ng Benito Soliven dahil naiwang nag-iisa ang kasamahang pulis na nag-momonitor ng illegal cockfighting sa Brgy. Bacolod.
Subalit minasama ni Pagalilauan ang binitiwang pananalita ni Dollente kaya ginulpi nito ang kanyang hepe.
Kaagad naman inawat ng ilang kasamahang pulis dahil mauuwi pa ito sa barilan.
Dahil sa naturang pangyayari ay nakarating sa punong tanggapan ng pulisya sa Isabela at ipinatawag ang biktima upang imbestigahan na posibleng masibak sa puwesto.
Kaya minabuti na lamang ng biktima na mag-harakiri. (Ulat ni Lito Salatan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended