Bus sinunog; driver, conductor tinodas
June 13, 2001 | 12:00am
LANAO DEL NORTE  Isang driver ng pampasaherong bus at conductor nito ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng grupo ng armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang kulimbatin ang sasakyan ng mga biktima bago sunugin sa Brgy. Liangan, bayan ng Maigo ng naturang lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril na sina Camilo Rabuyo, driver at si Jaime Bago, conductor na kapwa trabahador ng Rural Transit bus.
Batay sa ulat mula kay Capt. Alexis Bravo, operations chief of the Phil. Army 402nd Infantry Brigade, ang naturang bus ay may lulang mga pasahero patungong Dipolog City mula sa Cagayan de Oro City nang harangin ng mga armadong kalalakihan sa nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinalaya muna ang mga pasaherong sakay ng bus bago dinala ang dalawang biktima sa hindi nabatid na lugar at doon binistay ng bala hanggang sa mapatay.
Bago tumakas ang mga armadong grupo patungong kagubatan ng Brgy. Mentering ay sinunog pa nito ang nasabing bus.
May teorya ang pulisya na tumangging magbayad ng buwis ang may-ari ng pampasaherong bus sa naturang grupo kaya gumanti na lamang ito. (Ulat ni Lino dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended