^

Probinsiya

Bahay ng mayor ni-raid ng NPA, mga sasakyan sinunog

-
Tinatayang aabot sa 30 miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumalakay sa isang bahay ng mayor sa Paranas, Western Samar bago sinunog ang dalawang bagong sasakyan kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pagsalakay dakong alas-7:45 ng gabi sa bahay ni Mayor Elvira Babalcon na natatagpuan sa kahabaan ng national highway ng Poblacion ng naturang lalawigan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, pinaligiran bago pasukin ng mga rebeldeng NPA ang bahay ni Mayor Babalcon na nagtalaga pa ng ilan sa labas ng compound bilang look-out.

Dahil sa hindi matagpuan ang Mayor ay hinatak ng NPA ang dalawang mamahaling sasakyan mula sa garahe bago binuhusan ng gasolina at sinindihan hanggang sa masunog.

Ilan sa mga rebelde ay nakasuot pa ng uniporme ng sundalo na pawang may hawak na malalakas na kalibre ng baril at nagsisigawang "Mabuhay ang NPA, Mabuhay ang Hukbong Bayan."

Walang nagawa ang mga ilang bodyguard at kasambahay ng naturang alkade dahil sa dami ng mga rebeldeng sumalakay sa compound.

May teorya ang pulisya na ang pangyayari ay may kaugnayan sa pagtanggi ni Mayor Babalcon na magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde.

Gayunpaman, inilagay na sa red alert ng kapulisan kasama ang tropa ng militar ang buong kabayanan bago nagtayo ng checkpoints sa posibleng daanan ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP CRAME

DAHIL

GAYUNPAMAN

HUKBONG BAYAN

JOY CANTOS

MABUHAY

MAYOR BABALCON

MAYOR ELVIRA BABALCON

NEW PEOPLE

WESTERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with