2 NPA patay sa upakan vs militar
June 11, 2001 | 12:00am
Dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos mag-upakan ang tropa ng pamahalaan at ang grupo ng mga rebelde sa isang liblib na lugar sa Maco, Compostela Valley, kamakalawa.
Gayunman, sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng dalawa.
Dakong alas-10:25 ng umaga ng makasagupa ng nagpapatrulyang isang team ng Cafgu Active Auxilliary (CAA) sa ilalim ng 60th Infantry Battalion ng Phil. Army sa pamumuno ni Sgt. Castillo ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa Sitio Tayra, Brgy. Anibungan, Maco ng nasabing lalawigan.
Agad na sumiklab ang mainitang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang miyembro ng mga rebeldeng komunista.
Wala namang naiulat na nasugatan sa mga miyembro ng tropa ng pamahalaan.
Nasamsam sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang .38 caliber revolver, isang handheld radio at isang pack ng mga subersibong dokumento. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended