5 miyembro ng Bantay-Dagat tiklo sa extortion
June 9, 2001 | 12:00am
NAIC, Cavite – Limang Miyembro ng Bantay-Dagat Brigade ang nasakote ng mga operatiba ng Cavite Maritime Police makaraang maaktuhang nangingikil sa mga mangingisda sa isinaganang entrapment operation kamakalawa ng umaga sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Armando Morales, 40; Evangeline Magbanua, 51; Renato Kileste, 34; Esmeraldo Barera, 58 at Renato Enriquez na pawang mga residente ng Naic at Ternate, Cavite.
Ang mga suspek na matagal nang nagsasagawa ng pangongotong sa mga mangingisda sa baybaying dagat ng naturang lalawigan ay inireklamo kay Cavite Maritime Police Sr. Insp. Mario Marasigan.
Mabilis naman nagsagawa ng entrapment ang mga tauhan ni Marasigan dakong alas-9:00 ng umaga sa naturang lugar at naaktuhan ang mga suspek sa kanilang modus operandi. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended