Municipal tax collector nilikida ng NPA rebels
June 9, 2001 | 12:00am
Binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril hanggang sa mapatay ang isang municipal tax collector ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels habang ang biktima ay nakasakay sa sariling motorsiklo kamakalawa ng umaga sa kahabaan ng Sitio Canaan Brgy. Bongan, Tabuelan, Cebu.
Ang biktima na sinawing-palad ay kinilalang si Valentin Berenguel, isang tax collector ng munisipyo ng Tabuelan.
Si Berenguel ay aktibong miyembro ng grupo ng anti-insurgency laban sa NPA rebels sa kanilang bayan bago maganap ang pananambang.
Ayon sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pangyayari ay nakatanggap ang biktima ng pagbabanta sa kanyang buhay mula sa tinaguriang Vicente Padayao Command ng NPA rebels.
Batay sa ulat mula sa Camp Crame, dakong alas-6:45 ng umaga nang abangan ng NPA rebels ang biktima na sakay ng kanyang motorsiklo na bumabagtas sa kahabaan ng highway ng naturang lugar.
Inamin naman ng isang kalatas mula sa naturang grupo ng NPA rebels na sila ang responsable sa pananambang sa biktima.
Kasalukuyang nagsasagawa ng malawakang pagtugis ang kapulisan at tropa ng militar sa naturang grupo sa hindi binanggit na lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest