5 kabataan timbog sa pagnanakaw ng pinya
June 8, 2001 | 12:00am
BATO, Camarines Sur – Limang kabataang lalaki na pawang mga menor-de-edad at pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot ang nasakote ng mga kagawad ng pulisya makaraang maaktuhang nagnanakaw ang panindang pinya sa market site ng Brgy. Tres Reyes sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Ang mga kabataang nasakote na pawang may edad na 15-anyos at ngayon ay nakapiit sa municipal jail ay itinago sa mga pangalang Ray, Tonton, Johnny, Rudy at Manny na mga high school students sa naturang bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Elmer Ramos, may hawak ng kaso, natiyempuhan ang mga suspek dakong alas 11:30 ng gabi habang ang grupo ng pulisya ay nagsasagawa ng pagpapatrolya sa naturang lugar.
Namataan ng nagpapatrolyang pulisya ang mga kabataang suspek sa tindahan na pag-aari ni Jeofrey Teves ng Brgy. San Felipe ng naturang lugar.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, nagpapasahan ng panindang pinya ang mga suspek upang itakas papalabas ng nasabing palengke subalit binulaga sila ng mga pulis. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended