2 barangay captain binoga ng alalay ng ex-mayor
June 7, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Dalawang Barangay chairman ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng isang alalay ng dating mayor kamakalawa ang hapon sa birthday party sa Brgy. JP. Sta. Maria, Laguna.
Ang mga biktima na nagtamo ng tama ng bala ng M-16 rifle sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ay nakilalang sina Exequiel Lontoc, ABC presidente ng Brgy. 3 at si Narciso Mendoza na kapwa residente ng nasabing lugar.
Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Reynaldo Guevarra, alyas Aldo na umano’y driver, bodyguard ni dating Sta. Maria Mayor Gregorio Aguado.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas 12:50 ng hapon sa naturang lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga imbestigador, lumalabas na unang nagpaputok umano ng M-16 rifle paitaas sa birthday party ni Mendoza si dating Sta. Maria Mayor Gregorio Aguado dahil hinahanap nito ang isang brgy. captain na nagngangalang Ruding Umali ng Brgy. Cabuoan.
Sinamantala ng suspek ang kaguluhan at pinagbabaril naman ang dalawang biktima bago mabilis na tumakas.
Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo nang pagpapaputok paitaas ni Aguado sa naturang lugar. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended