Suspek sa rape-slay nasakote

SILANG, Cavite – Isa sa dalawang lalaki na pangunahing suspek sa rape-slay ng isang babae bago sinunog at natagpuan sa plantasyon ng kape ang nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kamakalawa sa Brgy. Old Bulihan ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jonathan Anarna, 20, binata ng Brgy. Pulong Bunga ng naturang lugar.

Magugunitang sinundo ng suspek ang biktimang si Lea Adang, 20, alyas Shiela sa kanyang bahay upang pumasok noong Mayo 29 ng gabi.

Ayon sa impormasyon ng pulisya, si Adang na isang waitress sa Stallion videoke bar ay hindi na nakabalik pang muli bago natagpuang sunog ang bangkay sa naturang plantasyon. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments