6 reporters nabiktima ng "Agaw Cellphone Gang"
June 5, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Anim na mamamahayag na nakatalaga sa lalawigan ng Quezon ang iniulat na inagawan ng cellphone ng mga miyembro ng "Agaw-Cellphone Gang" sa magkakahiwalay na lugar, kamakailaan sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga mamamahayag na naagawa nang kanilang cellphone kamakailan ay sina John Bello ng Today; Marilyn de Mesa ng Saksi; Acel Diaz ng STV-6; Benjie Antioque ng Manila Bulletin; Aida Cabuyao ng Peoples Balita at Leony Algire ng DWLC.
Hindi binanggit sa ulat ng pulisya ang mga lugar na kinaganapan ng pangyayari partikular na ang petsa at oras ng krimen.
Sa pahayag ni P/Supt. Federico Terte, chief of police ng nasabing bayan na ang mga miyembro ng sindikato ng "Agaw Cellphone Gang" ay pawang mga kabataang adik at ang karamihan ay nangangailangan ng pera upang may ipangtustos sa kanilang bisyo.
Nagtalaga na si Terte ng mga hindi naka-unipormeng pulis sa mga malls at sa ibat ibang eskuwelahan upang matyagan ang mga miyembro ng sindikato na bumibiktima sa mga estudyante sa panahon ng pagbubukas ng klase. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended