Kinilala ang pulis na isinailalim sa pagsisiyasat na si SPO1 Arsenio Orcedara ng Misamis Oriental Provincial Police Office (PPO).
Si Orcedara ay nasa custody ng Special Security Unit ng 10th Regional Mobile Group (RMG) hinggil sa posibleng partisipasyon nito sa grupo ng big time smugglers na nag-ooperate sa lalawigan.
Ang mga naarestong suspek ay kinilala namang sina Carlos Cabansag, 59; Jose Raagas, 46; William Andam, 17; Bryan Fernandez, 18 at Renanto Silao, 16.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-11:30 ng gabi ng maharang sa checkpoint nang magkakasanib na elemento ng 10th Regional Mobile Group (RMG) at Misamis Oriental Provincial Police Office (PPO) ang dalawang 10 wheeler trucks na naglalaman ng mga imported na smuggled na sigarilyo.
Ang nasabing 10 wheeler truck na may plakang KVF 320 ay minamaneho ni Jerson Mansiguiao at nakumpiska ang mga smuggled na kontrabando.
Bunga nito, naharang rin ang isa pang truck na may plakang KVC-868 na minamaneho naman ni Orlen Yana at nakumpiska rin ang karagdagan pang smuggled na mga sigarilyo na walang maipakitang dokumento na legal ang pagbiyahe nito. (Ulat ni Joy Cantos)