20 kabo na naaresto ng DILG pinalaya
June 4, 2001 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Matapos na madakip ng mga operatiba ng Department of Interior and Local Government (DILG), pinalaya naman ng lokal na pulisya ang may 20 mga kabo at kolektor ng jueteng kahit na hindi pa nasasampahan ng kaso, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.
Sa impormasyong nakarating sa PSN, nabatid na nagsagawa ng isang operasyon laban sa jueteng ang DILG Task Force Jericho sa Montaña Subdivision, Brgy. Burgos, ng bayang ito.
Naaktuhan ng raiding team ng DILG Task Force ang 20 katao na kabo na nagsasagawa ng bolahan.
Sa pag-uutos umano ni Primitivo Tabujara, hepe ng Rodriguez police, pinalaya ng mga pulis ang 20 kabo ng jueteng lingid sa kaalaman ng mga operatiba ng DILG at inutusang bumalik na lamang ang sampu sa kanila sa Lunes upang sampahan ng kaso.
Tinangkang kunan ng paliwanag si Tabujara ng PSN ngunit wala ito sa kanyang opisina. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended