Ang biktima na nagtamo ng hindi mabatid na bilang ng tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Azer Zapanta, 42, may asawa at residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Reynaldo Belarmino at PO3 Benjamin Jabrica, pawang may hawak ng kaso, naganap ang pangyayari dakong alas 5:15 ng madaling araw habang ang biktima ay naglalakad kasama ang live-in na si Rowena Mission at ang anak nitong si Eduardo papalabas ng kanilang bahay sa nasabing subdibisyon.
Ayon sa pulisya, isang hindi kilalang lalaki ang biglang lumapit mula sa likurang bahagi ng biktima bago sunud-sunod na pinaputukan ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Hindi naman sinaktan ng hindi nakilalang armadong lalaki ang mag-ina bago tumakas ng masiguro na patay na ang biktima.
May teorya ang pulisya na paghihiganti ang motibo ng krimen dahil may impormasyong nakalap ang pulisya na hiwalay sa asawa si Zapanta. (Ulat ni Tony Sandoval)