^

Probinsiya

20 kabo na naaresto ng DILG pinalaya

-
RODRIGUEZ, Rizal – Matapos na madakip ng mga operatiba ng Department of Interior and Local Government (DILG), pinalaya naman ng lokal na pulisya ang may 20 mga kabo at kolektor ng jueteng kahit na hindi pa nasasampahan ng kaso, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Sa impormasyong nakarating sa PSN, nabatid na nagsagawa ng isang operasyon laban sa jueteng ang DILG Task Force Jericho sa Montaña Subdivision, Brgy. Burgos, ng bayang ito.

Naaktuhan ng raiding team ng DILG Task Force ang 20 katao na kabo na nagsasagawa ng bolahan.

Sa pag-uutos umano ni Primitivo Tabujara, hepe ng Rodriguez police, pinalaya ng mga pulis ang 20 kabo ng jueteng lingid sa kaalaman ng mga operatiba ng DILG at inutusang bumalik na lamang ang sampu sa kanila sa Lunes upang sampahan ng kaso.

Tinangkang kunan ng paliwanag si Tabujara ng PSN ngunit wala ito sa kanyang opisina. (Ulat ni Danilo Garcia)

BRGY

BURGOS

DANILO GARCIA

MATAPOS

MONTA

NAAKTUHAN

PRIMITIVO TABUJARA

RIZAL

TASK FORCE

TASK FORCE JERICHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with