^

Probinsiya

Obrero binoga ng sekyu habang natutulog

-
DASMARIÑAS, Cavite — Isang construction worker ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang security guard habang ang biktima ay natutulog sa loob ng bahay sa Brgy. Salawag ng bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nemecio Esteva, 36, binata at residente ng Block 12, Lot 15, Phase 1 Rome St., Carissa Homes Subd. ng naturang lugar.

Samantala ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Teodoro Labjaga, may sapat na gulang, isang sekyu ng Jeff Security Agency at nakatalaga sa Dasmariñas Water District .

Naganap ang krimen dakong alas-7:00 ng umaga habang ang biktima ay natutulog sa loob ng bahay.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nagtungo ang suspek sa kinatutulugan ng biktima at walang kalaban-laban na ito ay pinaputukan ng shotgun.

Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya kung ano ang naging motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CARISSA HOMES SUBD

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DASMARI

JEFF SECURITY AGENCY

NEMECIO ESTEVA

ROME ST.

TEODORO LABJAGA

WATER DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with