Sunog na bangkay ng babae natagpuan sa planstasyon ng kape

SILANG, Cavite – Isang hindi pa nakikilalang sunog na bangkay ng isang babae ang iniulat na natagpuan ng mga awtoridad sa plantasyon ng kape kamakalawa ang umaga sa Brgy. Pulong Bunga ng bayang ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Roderick Reyes, may hawak ng kaso, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas 9:30 ng umaga.

Bukod sa sunog-na-sunog ang bangkay ay may tama pa ito ng bala ng baril sa katawan.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, bineberipika pa ang pangalan ng biktima at inaalam kung ito ay hinalay muna bago pinatay at itinapon sa naturang lugar. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments