Bigo sa pag-ibig: 2 ka-trabaho pinatay bago nagpakamatay
June 2, 2001 | 12:00am
ILOILO CITY Isang empleyado na pinaniniwalaang nabigo sa pag-ibig ang namaril ng kanyang tatlong kasamahan sa trabaho bago nagbaril sa sarili at namatay kamakalawa ng umaga sa Hoskins Compd., Guanco St. ng naturang lugar.
Kinilala ng pulisya ang namaril bago nagbaril sa sarili na si Antonio Baylon, may sapat na gulang at residente ng Ledesco Village ng nasabing lugar.
Habang ang dalawang kasamahang nasawi naman ay nakilalang sina Larry Balce ng Bago City, Negros Occidental at Mary Ann Deloso, 21 ng Dumangas, Iloilo.
Si Rita Espino, 31 ng Leganes, Iloilo na malubhang nasugatan ay nasa Intensive Care Unit ng St. Paul Hospital.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Dionisio Duco, hepe ng Iloilo City PNP, si Baylon ay nasiraan ng bait dahil sa pagkabigo nito sa pag-ibig kaya pinagbabaril niya ang mga kasamahan sa Escamilla Credit Facilities Incorp. sa nasabing lugar.
Sa pag-aakalang napatay lahat ang tatlong kasamahan sa trabaho ay nagbaril din ito sa sarili at namatay.
Kasalukuyan pang hinihintay ng pulisya na makarekober si Espino upang makakuha ng impormasyon na may kaugnayan sa pangyayari. (Ulat ni Jun Aguirre)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am