4 drug pusher tiklo
June 2, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Apat na miyembro ng big time drug syndicate ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng San Pedro PNP at Laguna Special Operation Group (LASOG) sa pinagkukutaan nito sa Brgy. Cuyao, San Pedro, Laguna kahapon ng umaga.
Ang mga suspek na ngayon ay nakapiit sa Sta. Cruz Municipal Jail ay nakilalang sina Jayson Oro, 24; Jovy Morales, 37; Angelito Samson, 42; at Ruben Amago, 51 ng naturang lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang kalahating kilo ng shabu na may street value na P.9 milyon.
Si Amago ay lider ng "Amago Gang" na hinihinalang supplier ng shabu sa Laguna partikular sa mga bayan ng San Pedro, Cabuyao at Sta. Rosa.
Ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Nicolas Padol, Jr. ng 4th Judicial Regional Court, Pagsanjan, Laguna.
Ayon sa ulat ni PRO 4 Regional Director Chief Supt. Domingo Reyes, Jr, nasakote ang mga suspek dakong alas-7:00 ng umaga makaraang salakayin ng kanyang mga tauhan ang pinagkukutaan nito. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended