"Task Force Jhun Cayona" binuo
June 1, 2001 | 12:00am
Bumuo kahapon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ng isang Task Force upang magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa naganap na pamamaslang sa isang hard hitting Radio Commentator sa Zamboanga City, kamakalawa.
Nabatid kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza na inatasan na niya si Police Regional Director (PRO) 9 Director, Chief Supt. Simeon Dizon na buuin ang "Task Force Cayona" at pangunahan nito ang imbestigasyon sa pamamaslang kay Candelario "Jhun" Cayona, Broadcaster ng DXLL Bombo Radio sa nasabing lungsod.
Magugunita na si Cayona ay papalabas sa kaniyang bahay upang mag-report sa trabaho nang pagbabarilin ng dalawang armadong suspek sa Brgy. Canelar, Zamboanga City.
Base sa teorya ng mga awtoridad, ang biktima ay pinaslang ng Abu Sayyaf dahilan sa kaliwat kanang pagbabatikos nito sa kaniyang programa sa illegal na aktibidades ng grupo partikular na ang pagkakasangkot sa kidnap-for-ransom. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended