^

Probinsiya

5 bagets tiklo sa nakawan ng kable ng telepono

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Limang kabataang lalaki na pinaniniwalaang responsable sa pagkawala ng multi-milyong pisong halaga ng kable ng telepono ang nasakote ng mga tauhan ng Bulacan PNP matapos na maaktuhang pinuputol ng mga ito ang mga kable sa poste kamakalawa ng madaling-araw sa Brgy. Confradia, Malolos ng naturang lalawigan.

Kinilala ni Bulacan Provincial PNP Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña ang mga suspek na sina Benjamin dela Cruz, Pedro Gabutin, Enrique Madrid, at ang mag-utol na Michael at Rolando Manahan na pawang mga residente sa ilang bayan sa nabanggit na lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, namataan ng nagpapatrulyang mobile car ang grupo ng mga suspek na pinuputol ang naturang kable sa isang poste.

Sinita ng mga tauhan ni Acuña ang mga suspek kaya nagpulasan ang mga ito dala na ang nakarolyong kable ng telepono.

Subalit nakorner naman ang mga suspek ng mga nagrespondeng brgy. tanod sa naturang lugar. (Ulat ni Efren Alcantara)

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL

DIRECTOR P

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

ENRIQUE MADRID

PEDRO GABUTIN

ROLANDO MANAHAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with