^

Probinsiya

Obrero nanaksak, pamilya ginantihan

-
LOPEZ, Quezon – Isang pamilya na pinaniniwalaang pinaghigantihan ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang pagtatagain ng kanilang kapitbahay habang natutulog ang mga biktima sa sariling bahay kamakalawa ng madaling araw sa Brgy. Del Pilar.

Ang mga biktima na ngayon ay nasa Magsaysay Memorial District Hospital ay nakilalang sina Edna Oravamin, 33, ang anak nitong si Michael 8; at dalawang pinsang sina Michael Culaway, 18 at Leonora Cablaida, 21 ng naturang lugar.

Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng follow-up team ng pulisya ay nakilalang si Ronald Hila, may sapat na gulang at kapitbahay ng mga bitkima.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Paterno Montero, may hawak ng kaso, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang asawa ni Edna na si Andy laban sa suspek habang nag-iinuman ng alak sa isang tindahan.

Sa hindi nabatid na kadahilanan ay biglang bumunot ng patalim si Andy at inundayan ng saksak si Hila bago mabilis na tumakas papauwi.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, bagamat sugatan na si Hila ay nakuha pa nitong magtungo sa bahay ng mga biktima at pinagtataga ang pamilya ni Andy na kasalukuyang natutulog. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ANDY

AYON

DEL PILAR

EDNA ORAVAMIN

LEONORA CABLAIDA

MAGSAYSAY MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

MICHAEL CULAWAY

PATERNO MONTERO

RONALD HILA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with