Kinilala ng pulisya ang biktima na si Manuelito Masicap, 61 ng Brgy. Lapidario, Trece Martires City ng naturang lalawigan.
Mabilis namang tumakas ang suspek na hindi kaagad nabatid ang pangalan.
Sa ulat na nakarating kay Deputy Chief of Police SPO4 Virgilio Loyola, naganap ang krimen dakong alas-5 ng hapon sa loob ng naturang restaurant.
Tinawag umano ng suspek ang biktima upang patagayin ng isang baso ng alak subalit ito ay tumanggi.
Dahil sa napahiya naman ang hindi kilalang lalaki sa mga kainuman ay nagbunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Mading Sarmiento)