^

Probinsiya

Driver na tumanggi sa tagay, pinatay

-
NAIC, Cavite – Isang jeepney driver na tumangging tumagay sa grupo nang nag-iinuman ng alak ang iniulat na nasawi makaraang barilin sa loob ng Charen restaurant, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ibayo ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Manuelito Masicap, 61 ng Brgy. Lapidario, Trece Martires City ng naturang lalawigan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na hindi kaagad nabatid ang pangalan.

Sa ulat na nakarating kay Deputy Chief of Police SPO4 Virgilio Loyola, naganap ang krimen dakong alas-5 ng hapon sa loob ng naturang restaurant.

Tinawag umano ng suspek ang biktima upang patagayin ng isang baso ng alak subalit ito ay tumanggi.

Dahil sa napahiya naman ang hindi kilalang lalaki sa mga kainuman ay nagbunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Mading Sarmiento)

BRGY

CAVITE

CHAREN

DAHIL

DEPUTY CHIEF OF POLICE

IBAYO

MADING SARMIENTO

MANUELITO MASICAP

TRECE MARTIRES CITY

VIRGILIO LOYOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with