Gob. Lapid puwedeng masuspinde
May 28, 2001 | 12:00am
Sinabi kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Eduardo Soliman na maaaring masuspinde pa rin si Pampanga Governor Lito Lapid kahit nanalong muli sa kanyang pangatlo at huling termino sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Soliman, hindi pa tuluyang nakakaligtas si Gov. Lapid sa kaparusahan nito kaugnay ng kinasangkutang "lahar quarrying scam" dahil hindi lamang administratibo kundi may criminal aspect din.
"Kung ang kaso lamang ni Lapid ay administratibo at may kaparusahang suspensyon ay balewala na agad ito dahil sa muli niyang pagkapanalo bilang gobernador," ani Soliman.
"Hindi naman nangangahulugan na kung malapit ka kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay maililigtas mo ang mga kasong isinampa laban sa iyo ng nakaraang administrasyon na nasa hurisdiksyon ng Ombudsman at Sandiganbayan," dagdag pa ni Soliman.
Ipinaliwanag pa ng Usec for Local Government ng DILG na tinatayang aabot sa mahigit 20 local executives ang nakatakdang suspendihin kaugnay ng kanilang mga graft cases na kinasasangkutan.
Aniya, ang mga suspensiyon ng mga local government executives na ito ay hindi lamang naipatupad dahil sa inabutan ng election ban kaya isisilbi ng DILG ang mga kaparusahang ito sa 3 gobernador, 5 city mayors at 20 municipal mayors.
Hindi naman tinukoy ni Usec. Soliman kung sinu-sino ang nasabing mga local executives at kung ang mga ito ay mula sa People Power Coalition (PPC) o mula sa oposisyon. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest