32 katao tiklo sa pagnanakaw ng artifacts
May 26, 2001 | 12:00am
STA. CRUZ, Zambales Umaabot na sa 32 katao ang iniulat na dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Coast Guard at PNP makaraang tangkaing nakawin ang mga sinaunang Chinese artifacts na nasa ilalim ng karagatan ng nasabing lalawigan.
Apat din bangkang-de-motor at ilang kagamitang pansisid sa ilalim ng dagat ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek.
Kabilang sa maninisid ng artifacts na ngayon ay kakasuhan ng paglabag sa PD 374 "Cultural Properties Prevention and Protection Act" ay nakilalang sina Quirino, Gregoria at Romeo Butaled, George at Felix Abulag, Rogelio Fernandez, Edgar Mengeti, Vicente Perjes, Rene Conde, Teddy Ogpa, Armando Dumaran, Joel at Jermile Tano, Alot Maranga, Ronnie Ebejos, Philip Macabanas, Leonilo Hernelo, Domingo Vilas, Alfredo Divas at Roberto Manalo.
Kasama rin sa dinakip ng mga tauhan ni Sta. Cruz PNP Chief Insp. Eugene Sapasap ay sina Erwin Monterola, Carlos Vitor at ang iba pang hindi nabanggit ang mga pangalan.
Samantala, pormal namang ibinigay ni Phil. Coast Guard Commandant Reuben Lista ang tinatayang aabot sa 500 narekober na Chinese relic mula sa lumubog na galleon noong 14th century sa pamunuan ng National Museum sa pamumuno ni Director Fr. Gabriel Casal. (Mga ulat nina Erickson Lovino at Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended