7 patay sa upakan ng militar vs resort raiders
May 26, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY – Pito katao kabilang na ang limang armadong kalalakihan na sumalakay sa tourist beach resort sa Samal island at dalawang sundalo ang iniulat na nasawi habang hindi pa mabatid ang dami ng bilang ng nasugatan sa naganap na mainitang sagupaan noong Biyernes sa Village ng Cabal, bayan ng Malita, Davao del Sur.
Sa ulat ni Lt. Col. Danilo Servando, tagapagsalita ng Armed Forces Southern Command na ang apat pang nalalabing bihag ng armadong grupo ay nakuhang makatakas.
Isa sa bihag na sinamantala ang kadiliman ay nakilalang si Dante Alimama, habang ang tatlo pang natitira ay sinamantala naman ang pakikipagsagupaan ng armadong grupo laban sa pinagsanib na puwersa ng 25th at 75th Infantry Batallions ng Phil. Army.
Si Alimama na binihag ng armadong grupo na sumalakay sa Pearl Farm Beach Resort bago pinagbitbit ng bala ay namataan ng dalawang civilian volunteers na may dalang sako ng 300 bala ng M60 baril sa Sitio Bayabas, Brgy. Mana.
Kinilala naman ang dalawang sundalo na nasawi na sina Sgt. Tomas Atilano at Pfc. Oliver Er-er habang ang sugatan naman ay si Pfc. Vicente Estares.
Ang limang nasawing armadong bandido ay kasalukuyan pang bineberipika ng tropa ng militar.
Ayon kay Col. Servando, dalawang MG-520 attack helicopters ang nanguna sa pagtugis sa papatakas na mga armadong kalalakihan sa bulubundukin ng nasabing lugar na tumagal ng limang oras bago muling umatras ang grupo ng bandido. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended