Sa inisyal na ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame mula kay Nueva Ecija Police Provincial Office (PPO) Director, Sr. Supt. Raul Bacalzo, nakilala ang biktima na si Dakila de Guzman, isang Aglipayan Parish priest na nakabase sa Brgy. Kita-Kita sa nasabing lalawigan.
Sa pagsisiyasat, kasalukuyang naglilinis ng kulungan ng kanyang mga alagang baboy ang biktima kahapon ng madaling araw sa likod lamang ng kanyang bahay sa Sitio Santiago nang bigla na lamang sumalakay ang mga rebeldeng komunista.
Napag-alaman na sumalakay ang mga rebelde dahil sa reklamong natanggap ng mga ito mula sa kanilang tagasuporta na nagtatago ang pari ng matataas na kalibre ng baril at ng illegal na droga sa loob ng bahay nito.
Masusing sinusuyod ng mga operatiba ng pulisya ang lugar na sinasabing pinagtataguan ng mga rebelde sa kinidnap na pari. (Ulat ni Joy Cantos)