Apat din bangkang-de-motor at ilang kagamitang pansisid sa ilalim ng dagat ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek.
Kabilang sa maninisid ng artifacts na ngayon ay kakasuhan ng paglabag sa PD 374 "Cultural Properties Prevention and Protection Act" ay nakilalang sina Quirino, Gregoria at Romeo Butaled, George at Felix Abulag, Rogelio Fernandez, Edgar Mengeti, Vicente Perjes, Rene Conde, Teddy Ogpa, Armando Dumaran, Joel at Jermile Tano, Alot Maranga, Ronnie Ebejos, Philip Macabanas, Leonilo Hernelo, Domingo Vilas, Alfredo Divas at Roberto Manalo.
Kasama rin sa dinakip ng mga tauhan ni Sta. Cruz PNP Chief Insp. Eugene Sapasap ay sina Erwin Monterola, Carlos Vitor at ang iba pang hindi nabanggit ang mga pangalan.
Samantala, pormal namang ibinigay ni Phil. Coast Guard Commandant Reuben Lista ang tinatayang aabot sa 500 narekober na Chinese relic mula sa lumubog na galleon noong 14th century sa pamunuan ng National Museum sa pamumuno ni Director Fr. Gabriel Casal. (Mga ulat nina Erickson Lovino at Jeff Tombado)